Gusto mo mag move-on?


Greatest Living Filipino on moving-on

Sa buhay natin, may mga tao'ng dumarating para ipalasap sa atin ang tinatawag na PAGMAMAHAL. Mayroong mananatili, mayroon din namang mapapadaan at lalung mayroong mapapasilip lang sa isang bahagi ng iyong buhay para ika'y saktan at lokohin. Trip lang ba! Masabi lang na kaya niyang paglaruan at ihulog sa kanyang bitag. Ganun pa man, gaano man ito katagal o kaikli, masarap man o mapait ang kinahinatnan, dumarating tayo sa punto na kailangan na natin ang magmove-on.

"Trust me when I say that I'll be ok, go on girl, go on girl, go on girl"

Ang hirap kasi sa mga panatiko ng pag-ibig at palabasa ng mga romance pocketbooks at mga mahilig manood ng mga cheezy na pelikula, inihahalintulad nila ang gusto nilang mangyari sa kanilang lovelife sa mga ito. Pero sabi nga ni KC Concepcion, love is not like in movies at all. Hindi laging happy ending ang pag-ibig. May mga relasyon na tumatagal ng ilang taon, pero sa bandang huli, mauuwi lang din ito sa hiwalayan. Ganun pa man, mayroon di namang mga successful sa pag-ibig. Pero gaya nga ng aking sinasabi, hindi lahat ay swerte pagdating dito. May iba pa nga na grabe ang inilalaan oras at panahon na nakakalimutan na ang sarili. Halimbawa, hindi ka masyadong kakain. Tinitipid mo din ang pambili mo ng damit kahit na may butas na sa puwit ang pantalon mo. Pero kapag dumating ang anniversary, monthsary o daysary, todo regalo at paghahanda ang gagawin mo. Ang masakit nga lang, bigla ka na lang iiwan. Pinagsawaan ka na eh. Latak.

Dyan na pumapasok ang halos araw-araw na pag-iyak, pagmumukmok at kawalang gana sa mga dati mo'ng ginagawa. Napapabayaan mo na ang iyong sarili at panay ang sisi mo sa kanya kung bakit ka nya iniwan. In the end, ikaw rin ang talo dahil wala na ring magkakagusto sa yo dahil sa pinaggagawa mo sa sarili mo. Kung mahal ka talaga nya, kahit magmukha ka pang pasas sa paglipas ng panahon, hindi ka niya dapat iniwan in the first place.

Well then, let's move on…

Narito ang ilan sa mga pwede mo'ng gawin maliban sa paglaklak ng muriatic acid o pagpapasagasa sa mrt para makamove-on.

1. Iiyak mo lang yan. Contrary sa isinulat ko sa itaas, walang masamang umiyak. Kahit nga kaming mga lalaki ay umiiyak. Kailangang ilabas mo ang lahat ng iyong nararamdamang sakit. Makakatulong ito para lumuwag ang iyong dibdib.

2. Videoke King/Queen. Ang mga sawi sa pag-ibig, madalas magvideoke o magkaraoke. Piliin mo ang kantang bagay na bagay sa pinagdadaanan mo. Natural lang yan. Mabenta ang mga kantang, I don't wanna be your friend ni Nina, Kung ako na lang sana ni Bituin Escalante at iba pang mag love songs.

3. Tanggapin ang katotohanan. It's over. Naghiwalay kayo dahil hindi na talaga magwowork ang relasyon nyo. Wag nang pilitin. Nagexpire na eh. Parang delata lang yan na pag inabot ng expiration, hindi na pwedeng kainin.

4. Lumayo. Itapon o ipamigay ang mga bagay na makakapagpaalala sa kanya. Para sakin, paano ka magmomove-on kung lagi mo'ng nakikita ang unan na may mukha nya sa iyong kama? Or dinelete mo nga ang number nya pero kabisado mo pa rin? Sa paglipas ng panahon, makakalimutan mo din ang mga yan. Ok lang na magalit at umiyak in a healthy way.

5. Mahalin mo ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Kung sarili mo nga, di mo kayang alagaan at mahalin, paano mo pa mamahalin ang ibang tao di ba?

6. Family and Friends. Maging open sa iyong kapamilya at kaibigan. Share what you feel sa kanila. Sila at wala nang iba ang makakatulong sa iyo .

7. Gawin mo ang mga bagay na ginagawa mo dati. Yun bang halimbawa'y nagagawa mo pang magDOTA nung single ka pa. Or nakakanood ka pa ng mga action films noon.

8. Wag sisihin ang lahat ng lahi ni Adan o Eba. Hindi porke nabigo ka sa isang babae o lalaki, ibubunton mo na ang lahat ng sama ng loob mo sa kanila at magiging manhater o womanhater ka. Hindi lahat ng babae at lalaki ay pare-pareho. Isang maling paniniwala ito.

9. Get closer to God. Ito ang pinakamabisang paraan. Without Him, we are nothing. Ask for His guide and wisdom. Sa bandang huli, panigurado, wala na ang sakit na nararamdaman mo.

It really takes time to move on. Pero hindi pwedeng hindi ka magsisimulang muli. In the long run, ikaw rin ang talo kapag hindi ka gumawa ng paraan para magmove-on. May kahirapang gawin pero kayang-kayang gawin.
-Bino Bandang