Inspirasyon


Ang Babaeng 'Di Ko Matulaan
By Jose Carlo Sia

gusto talaga kitang tulaan
pero baka ika’y mabaduyan
tagalugin kaya o inglesin
hindi ko malaman ang damdamin

i’m embracing the smooth breeze of monsoon
conditioning my mind and emotion
i don’t want to create a commotion
guy’s, this is a poem of admiration

binura ko ang una kong linya
pagkat kinakabahan pa sinta
aba, kung ika’y ‘di mapasaya
walang say-say itong aking tula

and then I tried meditating again
with mixed words and emotions in my brain
i want it simple I want it so plain
straight to the point just like a bullet train

nahirapan tuloy na magbilang
‘di ‘ko makuha ang tamang hakbang
bawat taludtod ay humaharang
sagabal sa aking pang-hihirang

and then I was able to create one
emotionally powered; it is fun
the rhyme is nice and the meter is good
i erased it then i tried Tagalog

…sa layo mo mula sa aking pananaw
kagandahan mo ay akin paring tanglaw
at sa bawat ngiti mo’ng nag-uumapaw
mga mata ko’y tunay na nasisilaw

~patay sindi ang upos ng sigarilyo
habang umu-ulan dito’t bumabagyo
ngunit di ko alintana ang piligro
hanggat ako ay nakatitig sa iyo

~ang kutis mo ay hindi ko maipinta
wala akong tintang mala porsilana
mga mata mo ay tila kalangitan
nanga-busilak sa bahaghari’y daan

~at sa tuwing landas nati’y nagtatagpo
ika’y nguminiti at ulo’y tatango
damang kaligayahang naka-lalango
at tila nagpapa-dausdusang tono…

i followed the rhyme for one hundred times
tried checking if there’s a fallin’ out line
i decided that it’s fine, good to go
but i think that I am missing a glow

kaya nanulat ng panibago
hanggang sa nanulat ng kung ano
‘di parin natatapos ang ritmo
ng tulang gustong i-alay sa’yo

nagiisa kang ‘di matulaan
ganda mo’y hindi pangkaraniwan
‘wag magulat kung bigala kang hagkan
pagkat di ubra sayo ang liham

One of the collections of Greatest Living Filipino poems from Filipino poets.

Next blog