Pagunlad ng Pilipinas

Greatest living Filipino gives his own Blog

Naalala ko yung isa kong propesor sa Filipino101 sa paaralang kasalukuyan kong pinapasukan ang kanyang inire-reply sa mga taong nagpapadala sa kanya ng mga spam messages sa cellpone. Yung mga teks messages na nagsasabing nanalo ka sa ganito, ganyan, at pagkatapos mo kumpirmahin, hihingan ka ng salapi bilang fee para makuha mo ang perang iyong napanalunan. O kaya yung mga nagtatrabaho na nagbibigay ng mga flyers (Sales Agent ng mga Condominium), na kukunin ng mga loko-loko yung numero tapos sasabihing "I would like to inquire for the condo unit but I do not have enough load. Can you please send me 50 worth of load?". Oo ang kakapal ng pagmumuka, mas makapal pa sa mga nagpatong-patong na basura sa mga dating malilinis na ilog at estero. Ang malupit doon, nag-ingles pa ang walang hiya para lang manghingi ng load. Utu-uto na lang siguro ang papatol sa mga ganoong teks. Akalain mo, bibili ka ng condominium pero load wala kang pambili?? Anyway, balik tayo sa propesor ko. Kapag nakatatanggap sya ng mga ganoong teks, hindi sya kagaya ng ibang typical na Filipino na hindi magre-reply. Pagaaksayahan nya ng load ang sira-ulong nagteks at sasabihing

"Tarantado! Hindi bobo ang tineks mo! kaya hindi umunlad ang bansang Pilipinas dahil sa mga gagong katulad mo! Mamalasin ang buong pamilya mo!!"

Nakakatakot hindi ba? Ewan ko na lang kung sumagot pa yung "gago" na nagteks. Mula doon sa pagkakuwento ng propesor ko, natawa ako sa mga sinabi nya pero sa isang banda naisipan ko, paano kaya kung gayahin ko yung sinabi nya doon sa magteteks sa akin ng mga spam messages. kaso hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa. naisip ko din, gusto ko marami makarinig nung mga katagang yunā€¦

Sa mga pulis at MMDA na pera ang sukatan kung kailan dapat gawin ang sinumpaang serbisyo, at kung sino ang dapat lamang pagsilbihan. Sa mga MMDA madalas ito kapag may nahuhuling lumabag sa batas trapiko. Ang una kapag pinara ka, sasabihan ka kung ano yung mali mong nagawa, irerecord yung plaka mg sasakyan kasabay nung nilabag na batas trapiko. Tapos titignan yung lisensya mo. Doon magsisimula ang batayan ng paagbigay serbisyo. Kapag nakitang nagtatarabaho ka sa gobyerno, lusot ka. Mababaw lang ang ipapataw sa'yo. Pero kung simpleng mamamayan ka lang at walang kuneksyon sa mga may kapangyarihan, tapos ka. Ang laki ng record mo sa LTO. Kaya kapag magpaparenew ka ng lisensya, anlaki ng babayaran mo.

Sunod na gusto kong makarinig ang mga kundoktor laluna sa PUJ na Antipolo-Crossing ang byahe. Masyadong hapit sa pera ng mga pasahero. Todo-todo magpasakay kahit sobrang siksikan na. Minsan may nakasabay akong lalaki na nainis sa kundoktor tapos sinabi nya "Psssst! halika dito umupo ka din ako magbabayad ng pamasahe mo para maranasan mo kung gano kahirap umupo." buti na lang humingi ng pasensya yung kundoktor at medyo natauhan. Hindi na masyado nagpapasakay tsaka humingi rin ng tawad naghahanap buhay lang sya. Pero diba, pasensya? violation yung ginagawa nya, pasensya? Isa pang napansin ko sa mga kundoktor, kapag hindi ka naka uniporme pang eskwelahan o kaya naman gabi nka na umuwi, hindi sila maniniwalang estudyante ka. Nararanasan ko yun madalas. Noong isang beses pa biglang nagsalita ng malakas yung kundoktor "Hindi naman ata na-gaaral yan eh!" Siguro dahil hindi ako naka uniporme kasi wala naman talaga kaming ganun sa pinapasukan kong paaralan. Hindi ko na lang sinagot magiging masama lang ako. Pero kahit papano napahiya ako nun. Pinagtinginan ako parang nagbubulungan na isa akong sinungaling.

"Kaya hindi umunlad ang bansang Pilipinas dahil sa mga taong katulad nyo!"
Yung mga taong walang magawa kundi magreklammo sa pamahalaan at sa pagpapatakbo ng gobyerno sa bansa natin ang pinaka gusto kong makarinig nyan. Wala na silang magawaa kung hindi ang magreklamo. Lingid sa kaalaman natin na isa sila sa mga dahilan kung ano ang klase ng gobyerno meron tayo. Hindi mauupo at magkakaroon ng pwesto sa pamahalaan ang dating mga action star, artista, basketall player, at kung sino pang mga celebrity kung hindi nila binoto. Tapos kapag may nangyaring katiwalian isisisi lahat sa kanila na parang sila ang puno't dulo ng lahat. Kung gusto nyo ng maayos na pamahalaan, ayusin din ninyo ang pagpili ng lider na susundin ninyo. At kung nakapili na kayo, ang sunod nyong siguraduhin ang pagsunod sa kanila bilang lider. Kadalasan kasi, kapag may naihalal na bilang presidente o kung ano pa man, hanggang masigabong palakpakan lang ang isinusukli natin. Iniaasa na lang sa kanila kung paano sisigla at gaganda ang pamahalaan. Bilang isang Greatest Living Filipino, sana hindi pa rin natin kinalilimutan ang mga slitang binitiwan ng ating mga yumaong bayani, na ang pag unlad ay nagmumula sa ating mga sarili. 'Wag nating antayin na utusan tayo kasi hindi naman natin gusto na sa lahat ng oras inuutusan tayo.