Pelikula Sa Kanto Ng Aurora


Greatest Living Filipino poem telling about the place Cubao

Sa Cubao kung saan ang araw
ay nagtatago sa maitim na ulap.
Nangarap akong makakita ng liwanag
Sa madilim na sinehan doon ko ito hinanap.

Ngunit natapos ang palabas
di pa rin nasilayan ang hanap.
Naroon pa rin ang uhaw
na pumipigil sa aking pag luha.
At ang gutom na ngumangatngat
sa salasalabit kong sikmura.

Nasan na nga ba ang pagasa
na muli pa kitang makikita?
Mga matang puno ng pagkabagabag
hahayaan nalang ba na ako'y mabulag?

Salamat sa biglang pagbuhos
ng malakas na ulan.
Nabasa, nanlamig at nagising
ang buo kong katawan.

Ngayong tumigil na
ang pagkilos ng ciudad na ito.
Maganda palang tanawin
ang usad-pagong na trapiko.

Author:
YUCO