Q and A

Q. What`s the difference among Philippine Presidents Cory, Gloria and Erap?
A. Cory can`t tell a lie
Gloria can`t tell the truth
Erap can`t tell the difference

Son to dying father: Itay, ano po ang gusto
nyo, magpalibing ba o magpa-cremate?
Ama: Ikaw na ang bahala, anak. I-surprise
mo na lang ako.

Pacquiao: Honey, buksan mo na yung
sweets.
Jinky: Nasan honey? Ang lambing mo naman.
May pasalubong ka pa sakin!
Pacquiao: Yung sweets ng ilaw. Ang dilim
kaya!

Host : What "N" (narra) is the
national tree of the Philippines ?
Contestant : Niyog?
Host : Mas matigas pa diyan.
Contestant : (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

Host : Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant : Sa back?
Host : O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant : Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito( Rizal Park).
Contestant : Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

Host : Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant : Banyo?
Host : Hindi, pag pumunta ka
doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host : Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant : Beerhouse!

Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw aynalulunod?
Contestant : Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?
Host :Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy"
at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant : Ah, Mr. Clean!

Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant : Sirena?
Host : Hindi! Hindi ito babae.
Contestant : Siyokoy?
Host : Hindi ito lalake.
Contestant : Siyoke?

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines ?
Contestant : Sunflower?
Host : Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant : Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant : Si…Sharon Cuneta!

Host : Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia ?
Contestant : Carole KING?
Host:Hindi, mas mababa sa king.
Contestant : Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host : Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant : BISHOP Bacani?
Host : Mas mababa sa bishop.
Contestant :Johnny MidNIGHT ?
Host : Mas mababa sa Knight.
Contestant : Jerry PONS?
Host : Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant : Sylvia laTORRE!

Host : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue,may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host : Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant : Guy Aunor?
Host: Hindi.Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant : ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

One more dagdag:
Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines ?
Contestant: Kuto?
Host : Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant : Kutong Lupa!

Next joke