Ang Katotohanan sa Likod ng Pambansang Watawat
Ang watawat ng Pilipinas, ito ay unang nasilayan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 nang winagayway ito ni Heneral Emilio Aguinaldo sa kanyang balkonahe ng bahay nya ng ideklara nya ang Kalayaan ng Pilipinas. Ang Watawat natin ay tinahi nina Doña Marcela Marino de Agoncillo, ang anak niya na si Lorenza at si Mrs. Delfina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Ang disenyo naman nito ay galing kay Heneral Aguinaldo na ibinigay sa kanila sa Hong Kong nung panahon na pinaalis siya ng Amerikano sa Pilipinas.
Ang disenyo ng watawat ay may ibig ipahiwatig ayon sa marami ang:
PUTI ay nagpapahiwatig ng kalinisan habang ang hugis TATSULOK ay nagpapahiwatig ng pagkapantaypantay. Ang ASUL ay ang kapayapaan at pagkakaisa habang ang PULA ay katapangan ng bawat Pilipino na ipaglaban ang sariling bansa. Ang ARAW naman ay ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang makamit ang daan patungo sa kaunlaran habang ang 8 SINAG ay ang Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite at Nueva Ecija. Ito ay ang 8 probinsya na unang nag-aklas laban sa Espanya. Ang 3 BITUIN naman ay ang Luzon, Visayas at ang Mindanao, ang 3 pangunahing pulo sa Pilpinas.
Halos lahat ng Pilipino ay ganito ang paniniwala ngunit kung titingnan sa "Act of the Declaration of Independence" ni Ambrosio Rianzares Bautista mapapansin natin ang tunay na ibig-sabihin ng ating watawat.
- bahagi ng " Act of Declaration of the Philippine Independence " ni Ambrosio Rianzares Bautista matatagpuan ang buong kopya sa http://www.msc.edu.ph/centennial/declaration.html
Makikita natin ang ilang pagkakaiba
header | Ayon sa Ilang Libro | Ayon sa Proclamasyon |
---|---|---|
Asul | Kapayapaan | Pasasalamat sa Amerika |
Pula | Katapangan | Pasasalamat sa Amerika |
Puti | Katapatan | Pasasalamat sa Amerika |
3 Bituin | Luzon, Visayas, Mindanao | Luzon, Visayas, Panay |
Araw | Ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino | Ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino |
8 Sinag | Manila, Bulacan,Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, | Manila, Cavite, Bulacan, Pampanga, |
Cavite at Nueva Ecija | Nueva Ecija, Bataan, Laguna, at Batangas |
sa nakita ninyo alin ang paniniwalaan ninyo?